Posted by: chichirya | September 25, 2008

doon po sa Maskom*

Tumuntong ako sa Maskom taong 2002. Sweet sixteen. Batang punggok, mataba at may buhok na mahaba. Hindi ko inakala na papasa ako ng UP, ni hindi ko inisip na makapag-aral sa Maynila, sa UP pa. Imagine ang tuwa ng aking mga kaanak. Dagsa sila sa bahay at alam ng buong barangay. Nung panahong iyon kasi, isa palang na taga-baryo namin ang alam kong nakapag-UP. Pangalawa ata ako. O ha.

Sikat din sa amin kung sa Maynila ka nag-aaral. Sa Maynila ka nag-aaral kung: 1. may pera ka, o 2. kung iskolar ka. Pero sabi ko nga, swabe na kung sa bukid laang ako, doon makatapos, magkatrabaho at tumanda. Pero astig si Papa God e. Aylabyu!

* * *

Sa apat na taon ko sa eskwela, sa Maskom ako namalagi. Maganda doon, panalo. Maliit laang ang mundo namin, lahat kakilala mo. Alam mo kung sino-sino ang bading, alam mo kung sino ang kaututang-dila nya at nito. Alam mo kung sino ang may wheels at kung sino ang nakiki-hitch lang. Maingay, makulay at masigla ang buhay Maskom.

Kilala mo si Ate Raquel ng Journ, si Ate Luming ng Admin window, ultimo mga Ate at Kuya ng bawat department. Pati sila Ate Xerox sa kanto ng Tambayan Extension at library, friendly-friend mo.

Sa paaralan kung saan lahat matatalino, magaling magsalita at magsulat, naniwala akong isa lamang akong ordinaryong tao sa pugad ng Maskom. Nakupo, lahat talaga ay magagaling, pramis. Cultured ang mga tao. Iba-iba ang background ng mga nakilala ko. May galing Batanes, Surigao, Tuguegarao, Pangasinan, Butuan at Saudi. May mga anak ng pulitiko, artista, celebrity, doktor at abogado. May mga lamang-lupa din tulad ko.

Ang sangkaguruan ay hindi rin matatawaran. Naging tagapakinig ako ni Luis Teodoro, Yvonne Chua, Luz Rimban at Desiree Carlos. Sayang hindi ko na-enlist si Pete Lacaba. Sa Film andun si Boots Anson Roa, Malou de Guzman aka Dugong at Direk Maryo J.

Nakakamiss ang turon ng Gloria’s canteen at crepes ng Music cafe. Pati ang pagtambay sa batibot, Skywalk at under the skywalk. Ang tuya at sigaw sa mga kaawa-awang aplikante ng Samaskom at BroadAss ay nakakamiss na rin.

Nakilala ko sa dun ang aking mga friendly-friends, at ang org na napamahal na sa akin. Hanapin daw ang sangkabaklaan, at sa Maskom matatagpuan. Sodom at Gomorrha-wannabe ang Maskom.

Takte, wala man akong naging boyfriend sa Maskom o sa mga taong na ipinamalagi ko sa UP, orgasmic naman ang feeling na taga-Maskom ako. Talo pa ang feeling ng nakipagthreesome.

Bakit nga ba wala akong naging boyfriend? Sige makipagthreesome kayo dito:


*in light of the series of Maskom reminiscences. UP Maskom alumni homecoming on Saturday, Sept27.


Responses

  1. haha, ako naman una yata sa angkan namin na nag-UP (e kasi naman di nila man lang ni-try mag-exam, haha!)

    natawa ako sa last three paragraphs. apir papaemms! orgasmic indeed! <333

  2. [...] doon po sa Maskom (Sept. 25) by Franco Emman Von Cena [...]

  3. sodom at gomorrah nga. sana lang nakisali tayo sa fun dati pa hahaha

  4. kasi inosente ka pa noon. ngapala, pakipalitan na po ang link sa blog ko.


Leave a response

Your response:

Categories