Sabi ko, magreresign na ako this year. Pero wala pa akong nakikitang lilipatan. Ni hindi pa ako desidido kung anong trabaho ang pupuntahan ko. Iniisip ko kung itutuloy ko ang law school pag nakapasa ako sa UP at mageenrol sa night class habang nagtatrabaho sa gabi. Hindi ko alam kung desidido na ako magaral nang fulltime o gusto ko lang ng self-vindication na kaya ko isabay ang law school sa isang fulltime na trabaho.
Basta ang alam ko, hindi na ako masaya sa ginagawa ko. Sa sweldo, mas malaki ang sahod ko kumpara sa mga averaged wage earners, hindi ako madalas mapuyat tulad ng mga call center agents. Hindi ako naguuwe ng trabaho dahil kelangan tapos ito bago matapos ang araw. I am thinking of going abroad, kahit saan. Hindi ako engineer o nurse na madaling makakuha ng trabaho sa labas ng bansa. Tingin ko overqualified naman ako kung clerical job sa Middle East dahil cum laude graduate ako ng UP. Pero walang problema sakin yun, makakakita lang ako ng trabaho who’d pay me P30K monthly (net) tatanggapin ko na kahit almost ganito rin ang kaya kong kitain or close to this ang kinikita ko dito sa dyaryo.
Gusto ko sana ay isang corporate setup or sa isang government agency na tatagalan ko at kakikitaan ko ng career growth. Sa trabaho ko, matagal ang usad ng promotion. Usad pagong. Kahit ang mga magagaling na reporters dito nagsisipag-alis na dahil 10 or 15 years hence, isang promotion lang ang natitikman nila sa buong buhay nila.Dahil ang reporters, editorship lang ang patutunguhan.
Naiinggit ako sa mga kaklase kong nageenjoy sa trabaho at the same time kumikita nang sagana.
Ang mga kasama ko sa bahay nagbabalak na lumipat or magrenew ng kontrata. Sabi ko hanggang June na lang ang balak ko dahil come July, sana nasa ibang lugar/bansa/trabaho na ako.